Manila Girl

Thursday, June 5, 2008

It's A Boy

"HELLO? Good morning! Pwede makausap si Sarah?" wika ko sa nakasagot ng telepono.

"Sino po sila?" balik-tanong sa akin ng nasa kabilang linya. Bisaya ang accent nito. Mukhang may bagong maid sina Sarah. Dati-rati naman kasi, hindi na ako tinatanong kung sino ako. Kilala na ang boses ko ng dating katulong nila.

"Pakisabi si M," sagot ko.

"Ah, sandali lang po, Ma'am."

Ibinaba saglit ng kausap ko ang telepono. Dinig na dinig ko ang mga yabag nito. Pati ang pagtawag nito sa taong hinahanap ko.

"M! Oh my God, what happened to you? Saan ka ba nagpupupunta at hindi ka namin mahagilap? Pati si Gigi nag-aalala na nga sa iyo!" bungad agad sa akin ni Sarah.

"Nag-out of town lang ako. Kumusta?"

"Heto, malaki ang tiyan. Ang taba-taba ko na! Mukha na akong lumba-lumba. Iyong mga paa ko namamaga. At ang sakit na ng likod ko!" reklamo nito.

"Alam mo, Buntis, tigilan mo kasi ang katakawan mo!" saway ko agad sa kanya.

"Well, anyways, nagpa-ultrasound na kami ni Ronan! And guesss what..."

"Lalaki?"

"Yep! It's a boy! Teka, paano mo nalaman?" gulat na usisa ni Sarah.

"Well, according sa mga reklamo mo sa akin last month na malikot masyado at malakas sumipa ang anak mo, may kutob na akong lalaki nga iyan."

"Kaya nga. Hoy, ninang kayo nina Gigi at Elai, ha! Baka maglaho ka na namang parang bula!"

"Hindi na. Ayos iyan. Para maging magkukumare na talaga tayo. Teka, ano palang pangalan ang naiisip mo?"

"Wala pa nga, eh. Kasi ang akala namin pareho ni Ronan ay baby girl siya. Kaya puro pambabaeng pangalan ang naiisip namin."

"Alam ko na! Ronan Marie!"

"Ronan Marie? Manila, lalaki ang anak ko!"

"Eh, kasi di ba sabi mo dati gusto mong isunod sa pangalan ni Ronan? At gusto mo may Marie. Kaya Ronan Marie!"

"Ang pangit kaya! Pwede ba ayusin mo nga iyang mga suggestion mo! May atraso ka pa sa amin!"

"Atraso? Anong atraso?"

"Bigla ka na lang nawala ng walang paalam. We were all worried sick about you. Hindi ka namin ma-contact. May cellphone ka nga, unattended naman. Itapon mo na kaya iyan?"

"Huwag naman! Iyan na nga lang cellphone ko. Naiwan ko kasi sa apartment."

"Naiwan o iniwan? M, ano bang nangyayari sa iyo? Simula ng ikasal si Gigi, nagkakaganyan ka na."

"Nothing is wrong with me. Masama bang magbakasyon naman ako paminsan-minsan? Teka, kailan pala dumating si Gigi? Akala ko two weeks sila sa Bohol?"

"One week lang. Kasi kailangan na ni Gigi bumalik sa work. Si Renz din daw pinababalik na kasi may convention ang mga managers ng store nila."

"Ganun? Eh, si Ronan kumusta?"

"Nasa Cebu. Mag-o-ocular nung subdivision na ide-develop ng firm nila roon. But he'll be back this weekend. Promise niya magsha-shopping kami ng baby stuff. Teka, may libreng oras ka ba kapag weekends?"

"Bakit?"

"Cooking school tayo. Samahan mo ako."

"Cooking school? Anong nakain mo at naisipan mong mag-cooking school?"

"Wala naman. Nabo-bore na ako rito sa bahay. "

"Teka, eh, di ba may cook naman kayo?"

"Meron. Pero iba pa rin siyempre iyong marunong akong magluto. Gusto ko rin i-surprise si Ronan on our anniversary. Gusto ko siyang ipagluto!"

"Eh, di magpaturo ka na lang sa cook n'yo. Gagastos ka pa sa cooking school. At least diyan sa bahay, mas komportable ka kasi kusina mo talaga ang gagamitin."

"Eh, nabo-bore na nga ako rito sa bahay. Kaya nga naghahanap ako ng activities na I can do outside. Besides, mas maganda kung sa cooking school. Para sosyal. Atsaka para matutunan kung paano mag-decorate ng pagkain. Iyong parang kamatis na ginagawang bulaklak?"

"Food styling. Kaso, Sarah, wala akong time and budget para riyan. Atsaka marunong naman akong magluto kahit papaano."

"Sagot na kita. Samahan mo lang ako. Sige na?"

"Bakit hindi na lang si Elai ang ayain mo?"

"Wala si Elai. Nasa Batanes. May shooting."

"Shooting? Akala ko ba tapos na iyong movie niya with Star Cinema?"

"Indie film naman daw iyon. Pang-award. Isasali ata nila sa Cinemalaya."

"Wow! Kumakarir talaga itong si Elai. Eh, bakit hindi na lang si Gigi ang ayain mo? Iyon kailangan din nun matutong magluto."

"Eh, isa pang walang time iyon. Alam mo namang workaholic ang isang iyon. Pareho sila ni Renz. Mag-asawang workaholic. Sige na, M, samahan mo na ako! Please?"

"I...I'm not sure, Sarah. I'll just call you back again, okay?"

"I need your answer within the week."

"Does that sound like I have a choice?"

"Is that a yes?"

"Sorta! Naku, Sarah! Kundi ka lang buntis!"

"Thanks so much, M! I love you! Bye!"

Napabuntung-hininga na lang ako. Kung meron mang mahirap para sa akin na gawin iyon ay ang tanggihan ang mga kaibigan kong ito. Ang mga kaibigan kong may sayad sa utak! Kunsabagay, wala na rin naman akong gagagawin sa mga susunod na araw. Now that I am officially jobless, baka makatulong sa akin ang cooking school. To give me some perspective. Lalo pa ngayong magulo at nagsisirko ang takbo ng utak ko.

Labels: ,

posted by Vanilla Sky at 12:28 PM

0 Comments:

Post a Comment

<< Home