Manila Girl

Friday, June 6, 2008

My Bestfriend's Wedding

I FINALLY, decided to pay Gigi a visit. Na-miss ko ang best friend ko. And at times like this...I really need her.

"Wh-what? Your mother is getting married?" bulalas ni Gigi ng ikwento ko sa kanya ang tawag sa akin ni Mama kaninang tanghali.

"Yep. That's exactly how I reacted. I can't believe it," natatawang tugon ko.

"Ngayon alam ko na kung kanino ka nagmana. Pareho kayong may sayad ng Mama mo!"

"At least, I'm not trying to get married at the age of 47!" pangangatwiran ko.

"M, you're not trying to get married...period! At kailan naman balak ng Mama mo ganapin ang wedding of the year?" usisa na ni Gigi.

"I don't know. I guess pag-ayos na iyong annulment. Parang ang ironic, no? You're going to nullify a marriage only to enter into another one? It really doesn't sound like Mama. She hated marriage. Isinumpa na niya ang serious commitment."

"Parang ikaw?"

"Why does it all has to point back to me? Hindi ako ang issue rito. Si Mama!"

"People fall in love, M. Look at me. Who would have thought I would end up married? I use to advocate the singlehood crusade just like you."

"Ako na naman!"

"Speaking of which, let me tell you about the honeymoon! Grabe, M, ang ganda-ganda sa Bohol!"

"Talaga? Kumusta naman ang honeymoon night n'yo?"

"Ikaw talaga! Iyon agad ang tanong! Anyway, it was great. Ganun pa lang iyon, no?"

"Did it hurt?"

"Yah, a lot! Pero worth it. You should try it!"

"Eeiww! Naririnig mo ba ang sarili mo?"

"Tatanung-tanong ka riyan tapos ngayon i-eeiww, eeiww ka! Oo nga pala! I got the DVD of the wedding video and the pictures. Panoorin natin!"

"Next time na lang, Gi. Iuuwi ko na lang. Sa laptop ko na lang titignan kapag may time ako."

"Don't you want to see your masterpiece? The wedding that you've coordinated and organized? It went all well, M! You're the best talaga. Thanks!"

I was Gigi's wedding coordinator. Actually, wedding coordinator-slash-emcee-slash-maid of honor-slash-bestman-slash personal assistant all in one. Talk about multitasking.

Naputol ang usapan namin ni Gigi ng dumating si Renz, ang husband ni Gigi. He is Lorenz Albert Gonzales, ang Head of Operations and Marketing ng number one fastfood in the country. Tumayo si Gigi upang salubungin ang asawa.

"Hi, Pa!" bungad nito sabay halik sa lalaki.

"Ate M! Long time no, see! Na-miss kita!" bati ni Renz sa akin. Lumapit ito at nakipag-apir. "Nakita mo na ang mga picture namin? The best ka talaga, Te! Gandang-ganda sina Nanay sa wedding. Ang sosyal daw. Thanks, Te!"

"Sureness! Siyempre, malakas kayo sa akin!" pabirong sagot ko.

"Pa, nag-dinner ka na? Dito ka na mag-dinner, Te M," putol naman ni Gigi sa usapan namin.

"Hindi pa ako nag-di-dinner. Pero heto at nag-take out ako ng chicken. Tara, Ma, kain na tayo."

Naghain na sa mesa si Gigi. Isinalang ko na rin sa player ang DVD ng mga pictures nila. Na-curious na rin ako sa output ng paghihirap ko. I pressed the scan button sa remote. Lumabas sa screen ng 21-inch flatscreen TV ang kuha namin sa hotel, sa simbahan at sa hotel.

"Come on, guys! Let's eat! Dinner's ready!" aya ni Gigi.

Pumuwesto na kaming lahat sa dining table. Siyempre, si Renz sa kabisera. I looked at the whole dining area. It was elegantly designed.

"Ang ganda naman ng condo niyo!" puri ko.

Gigi and Renz lives at the 32nd floor of a condominium in Sta. Mesa. Actually, boundary ng Quezon City at Manila. Malapit lang din sa Balic-Balic. Sa dati naming tinutuluyan ni Gigi na ngayon ay minana ko na.

"Ayos ba, Te? Mahal 'to!" biro ni Renz.

"He!" saway ni Gigi. "Ang yabang mo, eh, hindi pa nga natin bayad ito. Pero, in fairness, maganda ang iyong nakuha naming plan for this. Thanks to Ronan. Buti na lang firm nila ang developer nitong building. Kumusta naman ang apartment?"

"Ayun, makalat. Wala ka na kasi. Wala ng taga-linis. Joke! Oo nga pala. I talked to Sarah kanina. Kinulit akong mag-cooking school."

"Ayus iyon. Sali tayo, Ma!" singit ni Renz.

"As if naman may time ka?" ani Gigi. "Ano naman ang nakain ni Sarah at gusto niyang matutong magluto? Hindi ba may cook naman sila? At sangkatebang maids?"

"Iyan din ang sinabi ko sa kanya. Nabo-bore na raw kasi siya. Sabi ko nga dapat ikaw na lang ang ayain niya."

"I don't have time for that. So far okey naman muna kami sa lutong ulam and take outs," sagot ni Gigi.

"Pero masarap din paminsan-minsan ang homecooked meals, Ma," hirit naman ni Renz.

"Matututo rin ako niyan kapag nagka-time ako. Anong sagot mo kay Sarah?" baling naman sa akin ulit ni Gigi.

"Eh, hindi ko matanggihan. Anyway, sagot naman daw niya ko."

"May time ka ba for that, eh, may pasok ka araw-araw?"

"Uhhmm...wala na, Gigi. Nag-resign na ako."

"Wh-what?!" gulat na bulalas ni Gigi.

"Ma, relax lang. Easy!" pigil naman ni Renz sa asawa.

"May sayad ka talaga. You can't afford to resign, M. Paano ang kotse mo? Five years ang plan mo dun. At san ka kukuha ng pang-rent, aber?" sermon na ni Gigi.

"Maghahanap naman ako ng bagong work. I'm just so sick and tired of that company. Especially Mia," katwiran ko.

"So si Mia lang ang dahilang ng pagre-resign mo? You're making a mess out of your life ng dahil lang sa luka-lukang iyon? You are a fighter, M. Quitting is not your style."

"I am not quitting. I am just giving myself a break. I'm not happy with my work anymore. I'll go find what I truly want."

"At ano naman ang gagawin mo ngayong jobless ka na, aber?"

"Cook!"

Labels: ,

posted by Vanilla Sky at 4:58 PM 0 comments

Thursday, June 5, 2008

Hey, Mama!

NABABATO na ako sa apartment. After talking to Sarah, humilata ulit ako sa kama at tumitig sa kisame thinking of something worthwhile to do. I caught sight of my luggages which I had already hauled inside my room. Nilapitan ko iyon at isa-isang hinughog ang laman nito. Isang katerbang maruruming damit. Inilagay kong lahat iyon sa clothes hamper. More dirty laundry.

Hindi na ako nakatiis. Binuhat ko ang umaapaw na hamper at tinungo ang washing machine sa wash area ng apartment. I sorted out the whites from the colored ones. I stuffed all my whites inside the machine. Tumabo ako ng tubig sa balde at ibinhos sa machine. Nilagyan ko ng detergent powder saka ko isinet sa ang timer sa 15 minutes. Hindi na akong nag-abalang takpan ang machine. Tumayo ako sa tapat niyon at pinanood ang pag-ikot ng marurumi kong damit.

Washing clothes is my most favorite household chore. Para sa akin, therapy ang paglalaba. Pang-tanggal ng stress. Pampalinaw ng magulong isip. Paborito kong panoorin ang mga damit habang umiikot sa machine. I love seeing the suds form out of the water. Para sa akin, ang buhay ay isang malaking washing machine. Iikutin ka ng iikutin hanggang sa mahilo ka. Sasabunin at babanlawan ka hanggang luminis ka.

Ilang tunganga minutes pa nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Dinukot ko ito mula sa bulsa ng suot kong shorts. Agad kong tinignan kung sino ang tumatawag. Baka kasi ang talakera ko na namang editor. Napakunot ang noo ko ng mabanaagan ang isang number na hindi naman naka-save sa phonebook ko. Sino kaya ito? I pressed down the answer call button. Then, curiosity kills the cat.

"M-M!" malakas na bungad sa akin ng nasa kabilang linya. Iyon bang parang may kaaway ang dating.

"Ma?" gulat na tugon ko.

Nasa US si Mama. Or at least that's where I know her to be. She's been there for almost six years. Nag-away kasi sila ni Lola Carmen dahil tambay na lang siya sa bahay namin sa Cavite. Nang mapikon, minabuti nitong mag-abroad na lang. Nagsisimula pa lang mauso nun ang pagiging caregiver. Ang siste, hindi niya nakasundo ang unang employer niya. Kaya ayun. Nilayasan niya ito at humanap ng ibang employer thus breaching her contract. Dahil nasa unang employer niya ang mga papeles niya si Mama ay naging isang TNT.

"Ano na bang nagyari sa iyo? Isang linggo na akong tumatawag sa iyo. Laging unattended ang phone mo," tuluy-tuloy na wika nito.

"Ma, andito ka na? Kailan ka pa dumating? At paano ka nakabalik?"

"Last week ako dumating. Someone helped me para maayos ko ang mga papeles ko."

"Alam na ba ni Lola na andito ka na?"

"Hindi pa. Pero uuwi kami roon mga next week siguro. Teka nga, may maganda akong balita sa iyo. Ikakasal na ako!"

"Wh-what?! Kasal anong kasal?"

"Kasal as in wedding. I'm getting married, M-M!"

"At sino naman ang malas na lalaki?"

"Kay Carlos,"

"What? Si Tito Carlos? Nagkabalikan na kayo? Eh, di ba nambubugbog iyon?"

"Ibang Carlos to, Baby. Juan Carlos Avengoza, ang may-ari ng Avengoza Suites, Inc."

"Si Carlos Avengonza, the multimillionaire? You must be kidding!"

"I'm not, Baby! Nakilala ko siya sa Vegas a year ago. I was off on a vacation and he was too. Nasa casino ako nun naglalaro ng poker nang sumali siya. I beat him a couple of times. He was challenged so he invited me again for a game next night. Ayun, hanggang sa nag-date na kami."

"And after six months you decided you wanted to marry the guy?"

"Why not? I love him! Sa edad ko ba namang ito ay kailangan ko pang patagalin ang lahat?"

"Iyon nga, Ma. Sa edad mo na iyan, saka mo pa naisipan magpakasal! And the guy's a multimillionaire. Ano na lang ang sasabihin ng pamilya niya sa iyo?"

"Wala silang masasabi dahil may prenuptial agreement kami. And all his money and properties will be inherited by his son."

"At pumayag ka sa ganung set up?"

"I love him, Manila. At wala akong ibang gusto kundi ang makasama siya."

"I have always known you as a smart woman, Ma. Hindi ba kaya ayaw mo ng mag-asawa ulit ay dahil ayaw mo nang matali pa. Dahil mas madaling kumawala kapag ayaw mo na? Which reminds me...you're still married, Ma! Kasal pa kayo ni Papa!"

"I know, Baby. Aayusin ni Carlos ang lahat. He's gonna pay for my annulment. Besides, sabi naman nung lawyer niya na kinonsulta namin, madali na lang daw iyon lalo na at pareho kami menor de edad ng Papa mo ng magpakasal kami. Tapos for more than two decades, eh, hindi na kami nagkakasama. I can just presume he's dead."

"Ganun?"

"Anong ganun? Bakit parang hindi ka masaya para sa akin?"

"I don't know, Ma. I have a lot of things in my mind right now and surely that news really rocked my world."

"Ayaw mo ba akong maging masaya?"

"Of course, gusto ko. I just don't know what how to react. Everything came as a shock. You being here, you getting annulled and you getting married."

"I want to see you, Baby. Gusto ka rin makilala ng Tito Carlos mo. Libre ka ba bukas ng gabi?"

"Uhhmm...I'm not sure, Ma."

"Text me tomorrow kung pwede ka. We'll have dinner at the Avengoza Suites. I heard sila ang number one buffet dining in the whole country."

"I'll let you know, Ma."

"Okay, Baby. Atsaka, Manila..."

"Yes, Ma?"

"I can't wait to see you. I missed you, Baby!"

"I miss you to, Ma!"

Labels: ,

posted by Vanilla Sky at 5:27 PM 0 comments

It's A Boy

"HELLO? Good morning! Pwede makausap si Sarah?" wika ko sa nakasagot ng telepono.

"Sino po sila?" balik-tanong sa akin ng nasa kabilang linya. Bisaya ang accent nito. Mukhang may bagong maid sina Sarah. Dati-rati naman kasi, hindi na ako tinatanong kung sino ako. Kilala na ang boses ko ng dating katulong nila.

"Pakisabi si M," sagot ko.

"Ah, sandali lang po, Ma'am."

Ibinaba saglit ng kausap ko ang telepono. Dinig na dinig ko ang mga yabag nito. Pati ang pagtawag nito sa taong hinahanap ko.

"M! Oh my God, what happened to you? Saan ka ba nagpupupunta at hindi ka namin mahagilap? Pati si Gigi nag-aalala na nga sa iyo!" bungad agad sa akin ni Sarah.

"Nag-out of town lang ako. Kumusta?"

"Heto, malaki ang tiyan. Ang taba-taba ko na! Mukha na akong lumba-lumba. Iyong mga paa ko namamaga. At ang sakit na ng likod ko!" reklamo nito.

"Alam mo, Buntis, tigilan mo kasi ang katakawan mo!" saway ko agad sa kanya.

"Well, anyways, nagpa-ultrasound na kami ni Ronan! And guesss what..."

"Lalaki?"

"Yep! It's a boy! Teka, paano mo nalaman?" gulat na usisa ni Sarah.

"Well, according sa mga reklamo mo sa akin last month na malikot masyado at malakas sumipa ang anak mo, may kutob na akong lalaki nga iyan."

"Kaya nga. Hoy, ninang kayo nina Gigi at Elai, ha! Baka maglaho ka na namang parang bula!"

"Hindi na. Ayos iyan. Para maging magkukumare na talaga tayo. Teka, ano palang pangalan ang naiisip mo?"

"Wala pa nga, eh. Kasi ang akala namin pareho ni Ronan ay baby girl siya. Kaya puro pambabaeng pangalan ang naiisip namin."

"Alam ko na! Ronan Marie!"

"Ronan Marie? Manila, lalaki ang anak ko!"

"Eh, kasi di ba sabi mo dati gusto mong isunod sa pangalan ni Ronan? At gusto mo may Marie. Kaya Ronan Marie!"

"Ang pangit kaya! Pwede ba ayusin mo nga iyang mga suggestion mo! May atraso ka pa sa amin!"

"Atraso? Anong atraso?"

"Bigla ka na lang nawala ng walang paalam. We were all worried sick about you. Hindi ka namin ma-contact. May cellphone ka nga, unattended naman. Itapon mo na kaya iyan?"

"Huwag naman! Iyan na nga lang cellphone ko. Naiwan ko kasi sa apartment."

"Naiwan o iniwan? M, ano bang nangyayari sa iyo? Simula ng ikasal si Gigi, nagkakaganyan ka na."

"Nothing is wrong with me. Masama bang magbakasyon naman ako paminsan-minsan? Teka, kailan pala dumating si Gigi? Akala ko two weeks sila sa Bohol?"

"One week lang. Kasi kailangan na ni Gigi bumalik sa work. Si Renz din daw pinababalik na kasi may convention ang mga managers ng store nila."

"Ganun? Eh, si Ronan kumusta?"

"Nasa Cebu. Mag-o-ocular nung subdivision na ide-develop ng firm nila roon. But he'll be back this weekend. Promise niya magsha-shopping kami ng baby stuff. Teka, may libreng oras ka ba kapag weekends?"

"Bakit?"

"Cooking school tayo. Samahan mo ako."

"Cooking school? Anong nakain mo at naisipan mong mag-cooking school?"

"Wala naman. Nabo-bore na ako rito sa bahay. "

"Teka, eh, di ba may cook naman kayo?"

"Meron. Pero iba pa rin siyempre iyong marunong akong magluto. Gusto ko rin i-surprise si Ronan on our anniversary. Gusto ko siyang ipagluto!"

"Eh, di magpaturo ka na lang sa cook n'yo. Gagastos ka pa sa cooking school. At least diyan sa bahay, mas komportable ka kasi kusina mo talaga ang gagamitin."

"Eh, nabo-bore na nga ako rito sa bahay. Kaya nga naghahanap ako ng activities na I can do outside. Besides, mas maganda kung sa cooking school. Para sosyal. Atsaka para matutunan kung paano mag-decorate ng pagkain. Iyong parang kamatis na ginagawang bulaklak?"

"Food styling. Kaso, Sarah, wala akong time and budget para riyan. Atsaka marunong naman akong magluto kahit papaano."

"Sagot na kita. Samahan mo lang ako. Sige na?"

"Bakit hindi na lang si Elai ang ayain mo?"

"Wala si Elai. Nasa Batanes. May shooting."

"Shooting? Akala ko ba tapos na iyong movie niya with Star Cinema?"

"Indie film naman daw iyon. Pang-award. Isasali ata nila sa Cinemalaya."

"Wow! Kumakarir talaga itong si Elai. Eh, bakit hindi na lang si Gigi ang ayain mo? Iyon kailangan din nun matutong magluto."

"Eh, isa pang walang time iyon. Alam mo namang workaholic ang isang iyon. Pareho sila ni Renz. Mag-asawang workaholic. Sige na, M, samahan mo na ako! Please?"

"I...I'm not sure, Sarah. I'll just call you back again, okay?"

"I need your answer within the week."

"Does that sound like I have a choice?"

"Is that a yes?"

"Sorta! Naku, Sarah! Kundi ka lang buntis!"

"Thanks so much, M! I love you! Bye!"

Napabuntung-hininga na lang ako. Kung meron mang mahirap para sa akin na gawin iyon ay ang tanggihan ang mga kaibigan kong ito. Ang mga kaibigan kong may sayad sa utak! Kunsabagay, wala na rin naman akong gagagawin sa mga susunod na araw. Now that I am officially jobless, baka makatulong sa akin ang cooking school. To give me some perspective. Lalo pa ngayong magulo at nagsisirko ang takbo ng utak ko.

Labels: ,

posted by Vanilla Sky at 12:28 PM 0 comments

Breakfast at Stephanie's

"VAKLA! Ang tagal kong hindi na-sight ang beauty mo!" bati sa akin ni Stephanie. Ang baklang may-ari ng pinakamasarap na tapsilogan sa buong Balic-Balic. Ito ang paboritong breakfast ko. Araw-araw akong bumibili sa tapsilogan niya kaya naman kilala na niya ako.

"Nagbakasyon lang," tugon ko.

"Ang taray! Nagvakasyon. Ano? Dito ka ba kakain ngayon?"

"Sige dito na lang."

Binalingan nito ang isa pang baklang assistant nito. "Hoy, Vading! Dito kakain si M. Bilisan mo ang order niya. 'Wag mong kalimutan ang toyo at sili!"

Kabisado na nito pati ang order ko. At kahit maraming customer, ako talaga ang inuuna niyang pagbilhan. Parlor ang dating business ni Stephanie. Nang lokohin siya ng lalaking business partner niya and at the same time "papa," isinara nito ang parlor at nagtayo na lamang ng tapsilogan. Mas okey naman daw ang kita dun. Dahil okey ang business, nakalimutan niya ang kanyang broken heart. Kaya ngayon full time career "woman" muna raw ang drama niya.

"Good morning, Stephanie!" wika ng isang paos na tinig.

"At ano naman ang good sa morning eh andito ka?" pagtataray ng bakla.

"Steph, naman! Aga-aga ang init ng ulo mo!"

"Paanong hindi iinit ang ulo ko? Kakain ka na naman dito tapos magpapalista. Hoy, Paos! Hindi ako nagpapa-feeding program, no! Anong palagay mo sa tapsilogan ko, charity? Magbayad ka naman ng utang mo!"

Napapailing na naupo na si Paos sa upuan sa counter na nasa harap ni Stephanie. Si Paos ang masugid na manliligaw ni Steph. Tricycle driver ito. Katamtaman ang katawan, kayumanggi, kulot ang buhok. May itsura naman. Iyon nga lang, paos ang boses nito kapag nagsasalita. Isang depektong taglay na nito pagkabata pa lang.

Nang i-serve ang sa akin ng assistant ni Stephanie ang order ko, agad ko itong nilantakan. Gutom na pala ako. Hindi kasi ako nakapag-dinner kagabi. Panay pa rin ang palitan ng asaran nina Steph at Paos. Napailing na lang ako. Ang sarap talagang mag-breakfast dito. Masarap na ang pagkain, may libre pang entertainment.

Sa likod ko, panay ang harurot ng mga jeep na biyaheng Balic-Balic-Quiapo. Marami kasing pasahero sa umaga kaya naman talagang todo sa pagpasada ang mga ito. Na-miss ko rin ang ingay at gulo ng lugar na ito.

I love Manila as a city. Kahit saan ka lumingon, makakakita ka ng taong naglalakad. Lahat may kanya-kanyang destinasyon. Lahat abala sa kani-kanilang buhay. Ako kaya saan ang destinasyon ko?

Isang subo pa ng tapa at naubos ko na ang almusal ko. Dumukot ako ng singkwenta pesos sa bulsa at lumapit kay Stephanie. "Steph, bayad ko!" putol ko sa bangayan nila ni Paos.

"Salamat, M. Nakalimutan kong sabihin sa iyo. Dumaan dito si Sarah nung isang araw. Nagtatanong kung nakita na raw ba kita. Nagbilin pa nga na kapag nakita raw kita, sabihin ko raw tawagan mo siya," ani Stephanie.

"Sige, Steph. Salamat!"

Naglakad na ako palayo. Ipinagpatuloy naman ni Steph at Paos ang pagbabangayan. Kilala rin si Steph ng mga barkada ko. Madalas kasi kapag tumatambay kami sa bahay, kay Stephanie rin kami bumibili ng pagkain. Minsan dun na kami mismo kumakain sa tapsilogan.

Ano na naman kaya ang pakay sa akin ni Sarah? May bagong naisip na naman sigurong pakulo iyon sa buhay.

Labels: ,

posted by Vanilla Sky at 12:04 PM 0 comments

Good Morning, Manila!

NAKATULUGAN ko na ata ang pagbabasa ng messages. Hindi ko namalayang umaga na pala. Nagising lang ako sa pag-ring ng cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag.

MIA calling...

Pinindot ko ang Silent button sa cellphone para patayin ang nakakabulahaw na ringtone. Wala pa ako sa hulog kausapin ang neurotic at adik sa trabaho kong editor. Isa siya sa mga pinagtataguan ko kaya pinili kong maging incommunicado habang nakabakasyon.

Nang sa wakas ay matapos ang tawag niya, saka ko muling hinarap ang cellphone ko para basahin ang mga iba pang messages.

"MANILA, WER N D WORLD R U? REPORT BAK 2 WORK IMMEDIATELY OR ELSE UR FIRED!"

"MS. M, SAN KN PO? HINHNP KN PO NG HR PTI NI MAM MIA. ALL HELL S BREAKNG LOSE. KOL ME ASAP!"

"MS. M? R U RECEIVING MY MSGS? REPLY K NMN."

"MS. M, NID MO N TLGA MGPKTA SA OFC. GLIT N C MAM MIA."

"MS. M, WER R U?"

"MARASIGAN, F U DNT COM 2 D OFC TOM, UR FIRED!"

Mukha ngang naghuhurumentado na sa galit ang editor ko. Nase-sense ko na ang magiging scenario pagpasok ko sa opisina. Bubuga na naman ng apoy si Dragon Lady. Iyan ang codename namin ng mga officemates ko sa kanya.

I work as an editorial staff of a company that publishes the most popular magazines in town. I am its associate editor. I make things happen. I call the shots or at least the shots that my psycho editor makes. Si Miss Mia a.ka. Dragon Lady ang nightmare kong boss. Sobrang workaholic. Panic attack naman kapag malapit na ang deadline. She never stops talking. Feeling ko nga kahit natutulog nagsasalita pa rin siya. Naghahanap ng mali at nanenermon hanggang sa panaginip.

I scanned my contacts and looked for Julie's name. Siya ang secretary ng editor ko. Ipaparamdam ko lang ang presensya ko para naman bumaba ang presyon ng dragon.

"Hello? Ms. M? Sa wakas tumawag ka rin. One week na kita kinokontak. Hinahanap ka na ng HR pati ni Miss Mia. Kailan ka ba papasok?" tuluy-tuloy na wika sa akin ni Julie.

"I know. I just have some stuff to take care off. Andiyan na ba si Mia?" tanong ko.

"Wala pa. Pero sigurado ako, pagdating nun, ikaw na naman ang unang hahanapin nun. Nag-text na siya. Paalis na raw siya ng bahay. Ano, papasok ka na ba?"

"Hindi."

"W-what? Are you crazy? She's gonna fire you. She means it. Napapa-place na nga siya ng ad to look for your replacement. Please, Miss M, pumasok ka na!" pakiusap nito.

"Go place that ad, Julie. I quit. Try ko dumaan diyan mamaya to give my resignation letter. But you can tell Mia pagdating niya that I quit."

"Oh my God! Magwawala iyon. Are you ou-"

"Listen, Julie, I can't talk that long right now. Just tell her I quit. I'll have a proper turn over naman. I just have to go. Bye!"

Pinindot ko ang end call button. Ayaw ko ng magpaliwanag. I've said my piece and that's final. I really quit!

I looked at the clock on the sidetable. It's seven o' clock in the morning. I stood up and walked towards the window. Ibinukas ko iyon at pinapasok ang liwanag sa madilim kong silid. I felt the warm sunshine touching my cheeks. I inhaled the morning air. Ang sarap ng pakiramdam. The feeling of freeedom.

Good morning, Manila!

Labels: ,

posted by Vanilla Sky at 11:07 AM 0 comments

Home Sweet Home

PAST TEN O' CLOCK na rin ako nakauwi from the airport. Nakakapagod. Kahit pa sabihing galing naman ako sa bakasyon, nanlalata pa rin ang buong katawan ko. Masakit ang ulo ko dahil nagpaikut-ikot pa ang eroplano bago mag-landing sa NAIA. Maulan kasi sa Manila kaya medyo cloudy. Nahirapan ang piloto na makita ang runway. Matagtag nga rin ang biyahe dahil sa clouds.

Isinalampak ko sa isang sulok ng apartment ang maleta ko. Bukas ko na lang aayusin ito. Hapung-hapo na talaga ako. Diretso agad ako sa kwarto. I pulled out my most comfortable pair of shorts and shirts. My soiled clothes didn't even reached the hamper. Bukas ko na lang din iyon aayusin.

Inilapat ko ang aking likod sa malambot kong kama. I stared out the whole room. It felt so empty. I used to share this with my bestfriend Gigi. Pero dahil ikinasal na siya, she moved out of our apartment sa home sweet home nila ng hubby niya. Now, I'm all alone. At nakakabingi ang katahimikan. Hindi ako sanay. Hindi pa man nagtatagal, namimiss ko na agad si Gigi.

Gigi and me goes way back in college. First year college kami pareho ng magkakilala kami. Nagkasalubong na kami sa hallway at nakangitian. Those were our aktibista days. Sa gitna ng picket line kami nagkakilala habang siya ay mahawak na plakard at ako naman ay may hawak na banderang pula. We were both young and idealistic. Pakiramdam namin, we can change the world. We are that powerful.

Our idealisms binded us together. It also turned out that we're taking the same classes together. That was the start of a wonderful friendship for more than 10 years. Actually, apat kaming magbabarkada. Si Gigi, si Sarah, si Eliza at ako. Hanggang ngayon barkadahang walang kupas pa rin kami. Kahit may kanya-kanya na kaming buhay, ang isa't isa pa rin ang takbuhan namin kapag naba-bad trip kami sa maraming bagay.

But among the four, si Gigi lang talaga ang pinakakasundo ko ang topak. Super bestfriends talaga kami. Kulang na nga lang ay ampunin na ako ng pamilya nila. Kaya naman after college, we both decided to become housemates. Pareho namin guston ma-experience ang independent living. Pero pareho naman kaming takot. So we cling into each other. Mas madali naman talagang harapin ang mga challenges ng life kapag may kasama ka, di ba?

Isang malalim na buntong-hininga ang kumawala sa akin. Here I go again. Nagdadrama na naman ako. Kaya ko nga naisipang magbakasyon ay para libangin ang sarili ko. Para hindi ako masyadong magdrama sa buhay.

I tried to divert my attention. I saw my cellphone lying on the sidetable. Nang kunin ko ito, wala ni anumang mababasa sa screen. Battery drained ito. Kinuha ko ang charger sa drawer sa sidetable at isinaksak ko sa outlet na nasa ilalim naman ng sidetable. Tignan ko nga kung may nakaramdam ng pagkawala ko.

I turned it on. Sunud-sunod na nagpasukan ang messages. Lumabas na rin ang sandamukal na missed calls sa screen ng aking Nokia 3100. Ito ang unang-unang katas ng sweldo ko. Ito ko ang ikalawa kong cellphone. Iyong una 3310 na bigay sa akin ni Mama. Pero nang masira, pinalitan ko ng 3100. Hindi na ako nag-abala pang bumili ng bagong model. Kahit pa nga 3G na ang uso ngayon at kung anu-ano nang series ang inilabas ng Nokia at Sony Ericsson, I still stayed stuck on to this one. Sa bilis kasi ng paglabas ng bagong modelo ng mga cellphone ngayon, kabibili mo pa lang, outdated na agad ang unit mo. Basta ako kuntento na ako dito. Basta nakaka-text at nakakatawag, solved na ako dun.

Nang maisipan kong magbakasyon, iniwan ko ang cellphone ko sa apartment. Alam ko kasing hahanapin ako ng mga tao. Ayokong masira ang bakasyon ko ng mga istorbong text messages at tawag kaya minabuti ko na lang na iwan ito. Kaya naman heto ngayon at naipon lahat ng text messages ko. Binuksan ko ang Inbox para malaman kung kanino galing ang mga text.

"TE M, ASAN KA? M BAK FR OUR HONEYMOON. GOT LOTS OF KWN2. TXT ME ASAP!"

That was Gigi. Mukhang excited magbigay ng blow by blow account ng honeymoon niya. I really wanted to talk to her pero wala akong energy. Bukas na lang.

Labels: ,

posted by Vanilla Sky at 10:44 AM 0 comments

Welcome to Manila!

I READ the sign posted at the airport as I wait for my luggages. I'm back. Nice to see a familiar place with my name written on it. Yes. My name is Manila. Manila Margarita Marasigan to be exact. 3M. Parang brand ng self-adhesive tape.

Ang alamat ng pangalan ko ay nag-ugat sa magaling kong tatay. He worked as a seaman travelling to different places of the world. At para sa kanya, kahit daw saang sulok ng mundo pa makarating, wala pa rin daw tatalo sa ganda ng Manila. With matching kanta pa 'yan ng paborito niyang Hotdog song..."Hinahanap-hanap kita, Manila..." Sobra nga sigurong na-miss niya ang Manila. Dahil pagkadaung na pagkadaong ng barko nila dito, ayun, binuo nila agad ako ni Mama. Ang the rest, as they say, was history.

My second name, Margarita, came from my lola. Ang mortal enemy ng Mama ko. Well, hindi kasi masyadong boto ang family ng Papa ko sa Mama ko noong magnobyo pa lang sila. Pareho kasing nag-aaral pa sila sa college ng magtanan sila. Siyempre, naghurumentado ang pamilya Marasigan. Panganay kasi si Papa at siya ang inaasahan ng pamilya nila na mag-aahon sa kanila sa kahirapan. Too bad, dahil dumating si Mama and they saw their dreams being smitten away by this beautiful maiden from Cavite.

Napilitan lang silang ipakasal ng mga pamilya nila dahil nabuntis na si Mama nun. Unfortunately, nakunan siya. So I wasn't really their first child. Pangalawa na ako kung nabuo lang ang iyong una. Pero mukhang nakatulong iyon para seryosohin nila ang buhay nila. Being both undergraduates, they both knew they can't provide their kids with a bright future. Kaya minabuti ni Papa na magbarko. Pero sa kasawiang palad, bago pa man ako lumabas sa mundong ibabaw ay naputol na ang kanilang relasyon. Mama was eight months pregnant then when they both decided to call it quits. Ang dahilan? Ang wicked grandmother ko na daig pa ang linta kung masipsip. Those were Mama's words. She hated the old woman for treating her like dirt and for unwillingly accepting her to the family.

Nang manganak si Mama, iniwan niya ako kina lola. Hindi kay wicked grandmother. Hindi kay Lola Margarita kundi kay Lola Carmencita. I grew up a Lola's girl. I was her favorite. I know. And I will always be grateful to her dahil sa lahat ng ginawa niya para sa akin.

Sa wakas, matapos ang matagal na paghihintay ay namataan ko na rin ang bagahe ko. I heaved it out of the baggage carousel at hinila palabas ng airport. Pero kailangan ko na namang maghintay. Dahil box office ang pila ng taxi sa labas. Dinaig pa ang pila ng lotto. Bad trip talaga! Kung kailan pa naman gustung-gusto ko ng humilata.

Labels: ,

posted by Vanilla Sky at 10:35 AM 0 comments